my life, an update.
Posted on December 27th, 2008 @ 9:53 pm

Lumipas na pasko, hindi pa ako nakapagblog. hehe. ano ba yan. Di na ako babati ng Merry Xmas, ngayon eh Advance Happy New YEAR!! Grabe, 2009 na mga kapatid. Gagraduate na ako sa college.

Oo nga pala, hindi ko nakwento na nung xmas day, namatay ang lola ng boyfriend ko. It was very unexpected talaga. Nung gabi ng 24, ang lakas lakas pa daw. Nung umaga ng 25, ayun na. It was a sad Christmas for them talaga. I just went sa wake today, I met his family for the first time. Ahehe. Buong angkan pa eh noh, medyo nakakailang. =P Pero ang bait2x ng mom nya. Ayun, ok naman.

Lapit na anniversary namin. Yay. Excited na ako. I have a plan kasi.. nyahaha.

Btw, matagal na to binigay ni Kei sakin, pasensya na talaga at ngayon ko lang na.post, but thank you so much sis. Sobra.

LUVED-HOSTING.COM

FREE & PAID DOMAIN HOSTING

LUVED-HOSTING.COM


9 Comments
daily blah's about life · love, love, love


the sweetest surprise..
Posted on December 6th, 2008 @ 8:50 pm

Dapat kahapon ko pa isusulat to, kaso nasa likod ko yung boyfriend ko nung nagiinternet ako, hehe. :)

Sige, umpisahan ko na…

Nung gabi, december 4, nagaway kaming dalawa. Sobrang away talaga, medyo nakakahiya nga nasa daan pa kami nun. Hindi naman eskandalo talaga pero halatang may LQ kami, :lol:

December 5, morning, magkaaway parin kami.. first time ko umiyak sa klase dahil nahihirapan na kasi talaga ako. Madalas na kami nagaaway, tapos sya iba narin sakin. He said things nung gabi na akala ko hinding hindi nya kayang sabihin, pero ginawa na nya. What I didn’t know is that he have something for me pala. Nursing review namin that time, we are in the auditorium ng school, around 250+ students ang nandun. Marami. Nung nag break kami for 30mins, I was really crying. Kasi ang sakit pa ng mga salitang pinagsasabi naming dalawa.. tapos nung natapos na yung break, bumalik na ung reviewer namin na doctor..

Walang-wala na talaga ako sa mood that time, ang sama na ng loob ko. Nagulat nalang ako kasi in the middle ng discussion, ung reviewer namin na nasa gitna ng auditorium suddenly said, “may pabati..”. I didn’t mind it at first muna, nagjoke pa nga sya eh. The next thing I hear eh.. “to my dearest patryne…” as in inaanounce nya sa buong auditorium.. grabe halos narinig ko na sariling tibok ng puso ko sa kaba. Nagulat ako tlaga. Eto yung buong message na binasa nun doctor naming reviewer:

to my dearest patryne (bsn930),

punta tayo national bookstore
bibili tayo ng MAPA
MAPA papunta sa puso mo..
at ng mapalapit pa aq lalo sayo..

Thank you for everything my dear kismet..
mhal na mahal kta..
galingan u sa exam mamaya..
Godbless

Love,
Lendyll (bsn911)

Actually wala na akong naintindihan other than patryne, mapa at puso mo. sa sobrang kaba ko hindi ko na maintindihan talaga yung pinagsasabi ng reviewer namin. lahat na ng tao sa auditorium hinahanap kung nasan ako.. yung iba syempre hindi ako kilala. hehe. pero yung mga nakakakilala sakin, todo tingin. Tapos andun pa ang ex ko sa auditorium din mismo, inaasar nga sya ng mga friends nya eh. Nung tinatanong ng reviewer nasan si Lendyll, tinuturo nila ung ex ko. Hehe. Pero walang pasok bf ko talaga nun, kinuntsaba nya lang mga friends ko na ibigay sa CI namin yung message.

O sya, hanggang dito nalang. Ang haba na ng blog ko. hehe.


12 Comments
daily blah's about life